Hindi mo alam kailan mangyayari yung masakit na katotohanan.
Darating na lang, malalaman mo, tapos "poker-face" ka.
Tulala.
Gulat.
Tipong sa oras na nalaman mo, hindi mo alam anong mauunang emosyon, malulungkot ba o magagalit o maluluha o uunawain mo.
Pero sa totoo lang ang una mong gagawin, magpaka-normal. Sumabay sa agos, kung ano yung hinihingi ng sitwasyon, dapat yun ka. Mahirap yun a, pero gagawin mo kasi yun ang dapat. Saka mo na lang isisigaw sa hangin o iiyak kay Lord yung nasa loob mo. Minsan busy ka, hindi mo na naiyak kaya iischedule mo na lang. Partida busy ka na pero alam mo masakit. Naiisip mo na masakit pagsakay mo ng elevator, MRT, bus, fx o kapag tahimik na.
I-sshare mo sa ilan mong kakilala kasi hindi mo kayang itago na sa'yo lang. Sasabihin nila sa iyo, kamusta ka? Anong reaksyon mo? Iniyak mo na ba? Okay lang yan. You'll feel better but not completely.
Matutulog ka na dapat tapos magbabalik sa isip mo yung moment na sinabi ng close friend mo na may gusto syang iba at liligawan nya na. Parang may sumabog na bulkan pero dapat normal ka lang. Don't panic. Relax teh, 'wag kang obvious. Sa wakas nagka-time ka umiyak. Sa wakas nalabas mo rin at salamat dahil patay ang ilaw. Pwedeng umiyak ng pangit.
Hindi mo nga alam kasi iba ang ine-expect mo. Sana tayo na lang...pero hindi nga e. You want to move on but your heart simply can't--yet. Magulo kasi ang hints na na-pick up mo. Nag-assume ka tuloy. Sasama ang loob mo. You'll get confused. Iisipin mo kasalan mo din, kasi hinayaan mo. Matututo ka sa nangyari at sa susunod magiingat ka na.
Hindi mo alam, pero ang alam mo, magiging okay ka rin dahil may tatakbuhan kang Diyos na alam na alam ang dinadaanan mo at alam din Niya ang mga mangyayari pa sa hinaharap. You only have to trust His heart.
(This blog post was written based on gathered real life experiences from different people)
"Partida busy ka na pero alam mo masakit... You only have to trust His heart."
ReplyDeleteGreat post, tough story.
Hi Me, shared this to a friend lately, hope it ministers :)
ReplyDelete