Skip to main content

Spark from Unknown

San ba nakakabili ng Spark?

Iyan ang tanong sa akin ni Lanny, isang kaibigan. May umaaligid daw kasi sa kanya na matinong lalake, kaya lang, wala siyang maramdamang spark. Kaya nagtatanong siya kung saan nakakabili ng spark.

Hindi ko alam ang sagot. Kung alam ko lang, eh di sana matagal na akong pumila para mamakyaw. Kailangan ko rin ng spark. Maraming-maraming spark.

Ano ba ang spark? Ito iyong kuryente na nararamdaman mo kapag kasama mo ang isang tao. Iyong nanlalambot ang tuhod mo. Iyong parang nauutal ka at ayaw gumana ng motor skills mo. Iyong kahit na anong gawin at sabihin niya, o kahit wala siyang ginagawa o sinasabi, kinikilig ka na. Kung hindi mo naman siya kasama, nangingiti ka kapag naiisip mo siya.

Ang tawag dun... spark. Magic. Kilig. Kuryente.
At iyon din ang hinahanap ko ngayon.
May isang lalaking may gusto sa akin. Mabait siya. May hitsura. Matino. 
Stable. Mature. May napatunayan na sa buhay. Maalalahanin. May konting sense of humor. At alam ko, aalagaan niya ako.
Siya iyong lalaking iuuwi mo sa nanay mo at alam mong magiging mabuting asawa at tatay ng mga anak mo.
Pero wala akong maramdamang "kilig." Walang magic.

Lagi kong sinasabi, "He's a 'good on paper' guy, pero walang spark. Kahit kiskisan ko man ng bato... wala talaga!"
Sabi ng mga kaibigan ko, hindi na daw importante ang spark. Hindi daw ito tiket para sa isang masaya at tumatagal na relasyon. Maraming factors ang dapat i-consider, hindi lang spark...

Aanhin mo ang spark kung lagi naman kayong nag-aaway? Aanhin mo ang spark kung hindi naman kayo nagkakasundo sa mga bagay-bagay? Kung hindi naman siya puwedeng mag-commit? Kung alam mo naman na masama siya para sa iyo?

Noong huling usap namin ni Lanny sabi niya, baka daw bigyan na niya ng chance iyong manliligaw niya, kahit wala siyang maramdamang spark.
Pati tuloy ako, napapaisip na rin... Itutuloy ko ba kahit na walang spark? 
Magiging masaya kaya kami, kahit na hindi ako kinikilig sa kanya? 
Importante ba talaga ang "magic" sa isang relasyon?

"Baka naman nasa atin lang ang problema," dagdag ni Lanny.
Mali nga ba ako kung maghanap man ako ng spark sa isang relasyon? Pang teenager na nga lang ba iyong "nanlalambot ang tuhod" chuva at kapag nasa 20s ka na ay nakakasuka na ang humangad ng kilig?

Siguro nga masyado na akong matanda para maghanap ng lalaking magbibigay sa akin ng "kilig" dahil hindi naman kami mabubusog doon at hindi rin puwedeng pambayad ng tuition ng magiging anak namin ang spark.
But I am also old enough to know what I want in a guy... and having that "kilig" feeling is one of them. At para sa akin, ang pakikipag-relasyon sa isang taong walang spark, ay maitutumbas na rin sa pagse-settle.

At ayokong mag-settle.

Pero di ako nawawalan ng pag-asa. Malay mo ngayon, walang spark. Pero eventually, sa tamang panahon, baka magka-spark na. Kung paano, hindi ko alam...

Meron kayang binebentang spark sa pinakamalapit na Mercury Drug o Mini-Stop o 7-11?

Saan nga ba nakakabili ng spark?

Comments

  1. sa aking palagay, ibang klaseng spark na ang hinahanap mo. yun tipo bang high class, high end na kapag naramdaman mo siya grabe ang feeling. Hindi yung spark na makikita mo sa tabitabi, yung spark na parang nakakalambot ng tuhod, nakakatulo ng laway...
    Sa palagay ko yung spark na hinahanap natin (naks! kasama ako) ay yung spark na may feeling ng contentment, security, at joy.

    hmmm... palagay ko tinatago nila yung mga ganung spark at hindi lang sa tyangge nabibili... baka sa exotic stores meron?

    ReplyDelete
  2. basta ko Perla ayoko ng walang spark.

    ReplyDelete
  3. hahaahahaha, ako sa computer madalas mag karoon ng spark, heheheheheh. sino nga ba ang may gusto ng walalng SPARK.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

guest artists

Don't miss it

Whenever I travel by plane, I would often miss looking at the beautiful cottony clouds by the window. This morning I read of a different cloud I should never miss watching. I just finished reading the book of Exodus and this last chapter helped me understand and believe more of God's faithfulness to His people as I think of uncertainties in 2012. The last verses of Exodus 40 are like sweet reminders to me. I can't help but praise God because His ways are sure and I just have to trust in Him. 34  Then  the cloud covered the tent of meeting, and  the glory of the  Lord  filled the tabernacle.   35  And Moses was not able to enter the tent of meeting because the cloud settled on it, and the glory of the Lord  filled the tabernacle.   36  Throughout all their journeys,  whenever the cloud was taken up from over the tabernacle, the people of Israel would set out.   37  But  if the cloud was not taken up, then they did...

Hindi mo alam, pero ang alam mo...magiging okay ka rin.

Hindi mo alam kailan mangyayari yung masakit na katotohanan. Darating na lang, malalaman mo, tapos "poker-face" ka. Tulala. Gulat. Tipong sa oras na nalaman mo, hindi mo alam anong mauunang emosyon, malulungkot ba o magagalit o maluluha o uunawain mo. Pero sa totoo lang ang una mong gagawin, magpaka-normal. Sumabay sa agos, kung ano yung hinihingi ng sitwasyon, dapat yun ka. Mahirap yun a, pero gagawin mo kasi yun ang dapat. Saka mo na lang isisigaw sa hangin o iiyak kay Lord yung nasa loob mo. Minsan busy ka, hindi mo na naiyak kaya iischedule mo na lang. Partida busy ka na pero alam mo masakit. Naiisip mo na masakit pagsakay mo ng elevator, MRT, bus, fx o kapag tahimik na. I-sshare mo sa ilan mong kakilala kasi hindi mo kayang itago na sa'yo lang. Sasabihin nila sa iyo, kamusta ka? Anong reaksyon mo? Iniyak mo na ba? Okay lang yan. You'll feel better but not completely. Matutulog ka na dapat tapos magbabalik sa isip mo yung moment na sinabi ng close friend mo na m...